Tropical Cyclone for Agriculture

TROPICAL CYCLONE WARNING
TCWA NO. 10 SUPER TYPHOON “KARDING”

INILABAS ALAS 5:00 PM 25 SETYEMBRE 2022 MAY BISA HANGGANG ALAS 8:00 PM MAMAYA
(MAY BISA HANGGANG ALAS 11:00 N.G. MAMAYA)
SYNOPSIS

KASALUKUYANG NAKAKAAPEKTO ANG EYEWALL NG BAGYONG “KARDING” SA MGA ISLA NG POLILLO.

LOKASYON

Kaninang 4:00 PM, ito ay nasa karagatan ng Burdeos, Polillo Islands, Quezon

COORDINATES

15.0°N, 122.1°E

TAGLAY NA LAKAS NG HANGIN

TAGLAY NA LAKAS: 195 km/h malapit sa gitna at PAGBUGSO NG HANGIN: 240 km/h

PAGKILOS

Pa-kanluran sa bilis na 20 km/h

TINATAYANG LUGAR NA DADAANAN NG BAGYO
TINATAYANG LUGAR NA DADAANAN NG BAGYO
LAT
(°N)
LONG
(°E)
LOKASYON LAKAS
(km/h)
KATEGORYA
BUKAS NG HAPON: 16.2 117.4 315 km kanluran ng Dagupan City, Pangasinan 140 TY
MARTES NG HAPON: 15.6 111.9 865 km kanluran ng Gitnang Luzon 155 TY

MALAKAS NA PAG-ULAN:
Ngayong hapon hanggang bukas ng madaling-araw:
  • Malakas hanggang sa napakalakas na kung minsan ay sobrang lakas na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Aurora, Rizal, at hilagang bahagi ng Quezon kasama ang Isla ng Polillo.
  • Katamtaman hanggang sa malakas na kung minsan ay napakalakas na pag-ulan ang inaasahan sa Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Benguet, Ifugao, Mountain Province, Pangasinan, Cavite, Laguna, Batangas, gitnang bahagi ng Quezon, Occidental Mindoro at Camarines Norte.
  • Mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan ang inaasahan sa Oriental Mindoro, Marinduque, at natitirang bahagi ng CALABARZON at Rehiyon ng Bicol.
Bukas ng madaling-araw hanggang sa hapon:
  • Malakas hanggang sa napakalakas na kung minsan ay sobrang lakas na pag-ulan ang mararanasan sa Zambales, Bataan, Pampanga, at Bulacan.
  • Katamtaman hanggang sa malakas na kung minsan ay napakalakas na pag-ulan ang inaasahan sa Metro Manila, Pangasinan, Cavite, Occidental Mindoro, at natitirang bahagi ng Gitnang Luzon.
  • Mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan ang inaasahan sa Mountain Province, Ifugao, Benguet, Quirino, Nueva Vizcaya, Oriental Mindoro, at natitirang bahagi ng CALABARZON.
  • Sa ganitong kondisyon, maaaring magkaroon ng mga pagbaha (kasama ang flash floods) at pagguho ng lupa ang posibleng maranasan lalo na sa mga lugar na madalas na nakakaranas nito ayun sa mga hazard maps, at sa mga lugar na nakatanggap na ng mga pag-ulan noong mga nakaraang mga araw.
  • Dahil sa habagat, paminsan-minsang pag-ulan ang posibleng maranasan sa Palawan, Kanlurang Kabisayaan at Zamboanga Peninsula.
PAGKILOS NG BAGYO:
Kikilos ang Super Typhoon KARDING pa-kanluran sa susunod na 6 hanggang 12 oras bago ito magpa-kanluran hilagang kanluran ngayong araw. Tatama sa kalupaan ang bagyo sa hilagang bahagi ng Quezon ngayong gabi. Ang posibilidad ng pagtama nito sa kalupaan paglapit sa mga Isla ng Polilio ay hindi inaalis.

Dadaan ang bagyo sa Gitnang Luzon at lalabas sa West Philippine Sea mula sa Zambales o Pangasinan. Magpapatuloy na tatahakin ng bagyo ang direksyon pa-kanluran sa West Philippine Sea.

Inaasahang mapapanatili ng bagyo ang kanyang lakas bago ito tumama sa lupa. Bagamat inaasahan ang bahagyang paghina ng bagyo pagkatama sa kalupaan ng Luzon ngayong gabi hanggang bukas ng umaga, mataas ang posibilidad na mananatiling isang typhoon ang bagyong KARDING habang nasa kalupaan.

Patuloy na mag-antabay sa mga updates at pagbabago ukol sa sama ng panahon.

Ang mga public and disaster risk reduction and management office na maaaring maapektuhan ay pinapayuhan na gumawa ng mga kaukulang hakbang para maprotektahan ang buhay at mga ari-arian. Ang mga nakatira sa mga lugar na maaaring maapektuhan ay pinapayuhang sumunod sa mga tagubilin ng mga namumuno sa inyong lugar. Para sa heavy rainfall warnings, thunderstorm/rainfall advisories, at iba pang severe weather information na para sa inyong lugar, palaging magbantay sa mga produktong ilalabas ng inyong local PAGASA Regional Services Division.

MGA LUGAR NA MAAPEKTUHAN NG BAGYO

TCWS NO. 5

(>185 km/h lakas ng hangin na inaasahan sa susunod na 12 na oras mula sa unang paglabas ng babala)

Luzon:
Mga Isla ng Polillo, dulong hilagang bahagi ng Quezon (hilaga at gitnang bahagi ng General Nakar, hilagang silangang bahagi ng Infanta), dulong katimugang bahagi ng Aurora (Dingalan), dulong katimugang bahagi ng Nueva Ecija (General Tinio, City of Gapan, Peñaranda, San Isidro, Cabiao), Pampanga (Arayat, Candaba, Santa Ana, San Luis), silangan at gitnang bahagi ng Bulacan (San Rafael, Angat, Norzagaray, Doña Remedios Trinidad, San Ildefonso, San Miguel), dulong hilagang bahagi ng Rizal (Rodriguez), silangang bahagi ng Pampanga (Candaba, Arayat)

Maaaring epekto ng hangin: Lubhang mapanganib sa buhay at mga ari-arian

TCWS NO. 4
(118 - 184 km/h lakas ng hangin na inaasahan sa susunod na 12 na oras mula sa unang paglabas ng babala)

Luzon:
Mga Isla ng Calaguas, gitna at katimugang bahagi ng Nueva Ecija (Cuyapo, Nampicuan, Guimba, Licab, Zaragoza, San Antonio, San Leonardo, Jaen, Santa Rosa, Palayan City, Gabaldon, Laur, Cabanatuan City, Aliaga, Quezon, Santo Domingo, Talavera, Llanera, General Mamerto Natividad, Rizal, Bongabon, Talugtug, Science City of Muñoz), hilagang bahagi ng Metro Manila (Marikina, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, and Quezon City), Tarlac, natitirang bahagi ng Pampanga, natitirang bahagi ng Bulacan, Zambales, hilagang bahagi ng Bataan (Dinalupihan, Hermosa, Morong, Orani, Samal, Abucay), katimugang bahagi ng Pangasinan (Bautista, Alcala, Bayambang, Mangatarem, Urbiztondo, Aguilar, Bugallon, Infanta, Dasol, Burgos, Mabini, Labrador), at dulong hilagang bahagi ng Laguna (Famy, Siniloan, Santa Maria, Pangil)

Maaaring epekto ng hangin: Malaki hanggang sa matinding pinsala sa buhay at ari-arian

BABALA NG BAGYO BLG 3
(89 - 117 km/h lakas ng hangin na inaasahan sa susunod na 18 na oras mula sa unang paglabas ng babala)

Luzon:
Gitnang bahagi ng Aurora (Dipaculao), timog-silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Sur, Dupax del Norte), natitirang bahagi ng Nueva Ecija, natitirang bahagi ng Bataan, natitirang bahagi ng Pangasinan, natitirang bahagi ng Metro Manila, natitirang bahagi ng Rizal, hilaga at gitnang bahagi ng Laguna (Mabitac, Pakil, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, Pagsanjan, Luisiana, Majayjay, Magdalena, Santa Cruz, Pila, Liliw, Nagcarlan, Victoria, Rizal, City of San Pedro, City of Biñan, City of Santa Rosa, Cabuyao City, City of Calamba, Los Baños, Bay, Calauan), hilaga at gitnang bahagi ng Cavite (Tanza, Rosario, Noveleta, Kawit, Imus City, Bacoor City, City of Dasmariñas, Carmona, Gen. Mariano Alvarez, Silang, Amadeo, City of General Trias, Trece Martires City, Naic, Indang), natitirang bahagi ng hilagang bahagi ng Quezon (Infanta, Real, General Nakar, Mauban), at hilagang bahagi ng Camarines Norte (Vinzons, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga)

Maaaring epekto ng hangin: Katamtaman hanggang sa malaking pinsala sa buhay at ari-arian


BABALA NG BAGYO BLG 2
(62 - 88 kph lakas ng hangin na inaasahan sa susunod na 24 na oras mula sa unang paglabas ng babala)

Luzon:
Katimugang bahagi ng Isabela (Dinapigue, San Guillermo, Echague, San Agustin, Jones), Quirino, natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, natitirang bahagi ng Aurora, natitirang bahagi ng Cavite, Batangas, natitirang bahagi ng Laguna, gitnang bahagi ng Quezon (Calauag, Perez, Alabat, Quezon, Tagkawayan, Guinayangan, Sampaloc, Lucban, City of Tayabas, Lucena City, Pagbilao, Padre Burgos, Atimonan, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Lopez, Pitogo, Dolores, Candelaria, Sariaya, Tiaong, San Antonio, Macalelon, General Luna, Catanauan, Buenavista), natitirang bahagi ng Camarines Norte, hilagang bahagi ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Libmanan, Pamplona, Pasacao, San Fernando, Pili, Minalabac, Ocampo, Tigaon, Cabusao, Magarao, Gainza, Canaman, Camaligan, Milaor, Naga City, Bombon, Calabanga, Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan, Sagñay), at Catanduanes

Maaaring epekto ng hangin: Bahagya hanggang sa katamtamang pinsala sa buhay at ari-arian

BABALA NG BAGYO BLG 1
(39 - 61 km/h lakas ng hangin na inaasahan sa susunod na 36 na oras mula sa unang paglabas ng babala)

Luzon:
Katimugang bahagi ng Cagayan (Tuao, Solana, Enrile, Tuguegarao City, Iguig, Peñablanca), natitirang bahagi ng Isabela, katimugang bahagi ng Apayao (Conner), Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, katimugang bahagi ng Ilocos Norte (Nueva Era, Badoc, Pinili, Banna, City of Batac, Currimao, Paoay, Marcos), Ilocos Sur, natitirang bahagi ng Quezon, hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Paluan, Mamburao, Santa Cruz) kasama ang mga Isla ng Lubang, hilagang bahagi ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, City of Calapan, Naujan, Victoria, Pola, Socorro, Pinamalayan), Marinduque, natitirang bahagi ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Isla ng Burias at Isla ng Ticao

Maaaring epekto ng hangin: Maliit hanggang sa bahagyang pinsala sa buhay at ari-arian

PAYONG PANGSAKAHAN SA MGA LUGAR NA MAY SIGNAL

Magbantay, mag-ingat at maghanda sa mga lugar na may malakas na ulan lalo na ang mga naninirahan sa malapit sa sapa, ilog o tabing-dagat, mga malapit sa tabi o paanan ng bundok at burol sa maaring dulot na biglaaang pagbaha at pagguho ng lupa. Ugaliing makinig sa abiso ng DOST-PAGASA at maghanda sakaling kailangan ng biglaang paglikas dahil sa sama ng panahon.
AGRI-PANAHON

Masungit na panahon ang mararanasan sa Metro Manila, Gitnang Luzon, CALABARZON, La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes samantalang ang Ilocos Sur, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Isabela, Marinduque, Romblon, at natitirang bahagi ng Rehiyon ng Bicol ay magiging maulan na may pagbugso ng hangin. Maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang inaasahan sa Ilocos Norte, Apayao, Cagayan, mga probinsya ng Mindoro, Palawan, Kabisayaan, at Zamboanga Peninsula. Bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog naman ang mararanasan sa natitirang bahagi ng Mindanao.

Malakas mula hilagang silangan hanggang hilagang kanluran ang inaasahan sa kanlurang bahagi ng Hilaga, Gitna, at Katimugang Luzon at mula naman sa timog-kanluran hanggang timog-silangan sa silangang bahagi ng Hilaga, Gitna, at Katimugang Luzon. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa kanluran hanggang timog-kanluran ang iihip sa Kabisayaan at natitirang bahagi ng Luzon. Mahina hanggang sa katamtaman na hangin naman ang iiral mula sa timog-kanluran sa Mindanao.

Malakas na unos na hangin ang mararanasan habang dumadaan ang bagyong KARDING sa mga lugar na may nakataas na Babala Blg. 4 at Blg. 5 at mabagyong hangin naman sa mga nakataas ang Babala Blg. 3. Sobrang lakas na hangin ang mararanasan sa mga lugar na may nakataas na Babala Blg. 2. Malakas na hangin naman ang inaasahan sa mga lugar na may nakataas na babala Blg. 1.

BABALA PARA SA MGA MANGINGISDA

Mataas hanggang sa napakataas na panganib ng storm surge na aabot sa 3.0 m ang taas ang inaasahan sa mga nasa baybayin ng hilagang Quezon kasama ang mga Isla ng Polillio at Aurora. Katamtaman hanggang sa mataas na panganib ng storm surge ang posibleng maranasan sa Camarines Norte, Pangasinan, Zambales, Bulacan, hilagang bahagi ng Metro Manila, katimugang bahagi ng La Union, natitirang bahagi ng Quezon. Ang pinagsamang epekto ng storm surge at matataas na alon ay lubhang mapanganib at maaaring makamatay.

Dahil sa Super Typhoon KARDING, nakataas ang Gale Warning sa silangang baybayin ng gitna at katimugang Luzon (Aurora, silangang baybayin ng Quezon kasama ang Polillo, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes ), silangan at kanlurang baybayin ng Hilagang Luzon (Cagayan, La Union, Pangasinan at Isabela), at kanlurang baybayin ng Gitna at Katimugang Luzon at katimugang baybayin ng Katimugang Luzon (Zambales, Bataan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Romblon, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, timog-kanlurang baybayin ng Camarines Sur, at katimugang baybayin ng Quezon). Mapanganib ang ganung kondisyon sa lahat ng uri ng sasakyang pandagat. Pinapayuhan ang mga mangingisda sa palaging mag-ingat at kung maaari ay huwag munang pumalaot sa mga nabanggit na lugar. Palaging mag-antabay sa mga updates ng PAGASA.

Maalon na karagatan ang iiral sa natitirang bahagi ng Luzon at Kabisayaan samantalang ang mga baybayin sa Mindanao ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon ng karagatan. Ang mga mangingisda ay pinapaalalahanan na palaging mag-ingat, ugaliing magdala ng mga gamit pangkagipitan, magbantay at makinig sa mga paalala at patalastas mula sa DOST-PAGASA.

PAYONG PANGSAKAHAN SA MGA LUGAR NA HINDI APEKTADO NG BAGYO
PAYONG PANSAKAHAN SA MGA LUGAR NA HINDI APEKTADO NG BAGYO
  • Patuloy sa mga normal na gawain sa bukid.
  • Siguraduhing matibay at maayos ang imbakan o kamalig ng mga produkong binhi tulad ng palay at mais atbp produktong gulay o prutas upang hindi bumaba ang kalidad ng mga ito.
  • Ipagpatuloy pa rin ang paglilinis ng kapaligiran lalo na ang daluyan ng tubig para maiwasan ang mga pagbaha at pag-usos ng lupa.
  • Gumawa ng mga kanal para ipunan ng tubig o “small impounding reservoir” upang may magamit na tubig sakaling mag karoon ng kakulangan.
INIHANDA NI/NINA: RAAM / JOT BINIGYANG PANSIN NI: JAM
Farm Weather Forecast
Synopsis

At 3:00 AM today, the center of Tropical Storm "KARDING" was estimated based on all available data at 1,245 km East of Northern Luzon (18.1°N, 133.5°E) with maximum sustained winds of 65 km/h near the center and gustiness of up to 80 km/h. It is moving Westward at 10 km/h. Southwest Monsoon affecting the western sections of Southern Luzon and Visayas.

Issued at: 8AM Friday, September 23, 2022
Valid until: 8AM Saturday, September 24, 2022
FWFA: 22 – 238
Forecast Area Agri-Weather Winds Temperature Relative Humidity Leaf Wetness
Visayas, CALABARZON, Bicol Region, Bataan, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, and the northern portion of Palawan including Calamian and Cuyo Islands Cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms
CALABARZON, Bicol Region, Bataan, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, and Romblon – Light to moderate from northwest to west
Visayas, and the northern portion of Palawan including Calamian and Cuyo Islands – Light to moderate from southwest to west
LOWLAND
23 - 32

UPLAND
21 - 30
60 - 98 4 - 8
Metro Manila and the rest of the country
Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms
Northern Luzon – Moderate to strong from northeast to north;
Rest of Luzon –Light to moderate from northwest to west
Rest of the country – Light to moderate from southwest to west
LOWLAND
23 - 34

UPLAND
14 - 32
55 - 96 0 - 6

Soil Moisture Condition
Wet

Most areas in Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, National Capital Region, Cavite

Moist

Ilocos, Norte, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Laguna, Alabat Island, Occidental Mindoro, Cuyo Island, Coron Island, Negros Occidental, Northern Mindanao

Dry

Rest of the country

Farming Advisories
ENSO ALERT SYSTEM STATUS
La Niña re-strengthened and is forecasted to continue until DJF 2022 – 2023 (~60%) with ENSO neutral condition thereafter.

IN AREAS AFFECTED BY LA NIÑA
Prolonged rainfall (during la Niña), destructive grain-sucking rice-bugs (liptocorisa) can be abundant and can attack any time, be vigilant and always inspect your rice fields and ask precautionary measures to your local agriculturist.

IN AREAS AFFECTED BY SOUTHWEST MONSOON, TROUGH OF TS KARDING, THUNDERSTORMS AND MODERATE TO HEAVY RAINS

Continuous wet weather, promotes fungal development and can cause damage to stored farm products, reduce the quality, viability and market price of the grains. Thus, it is advised to keep barns and crop storage rooms in good, dry, and well-ventilated condition.
Fishing Advisories

GALE WARNING
No Gale Warning issued.

Moderate to rough seas will prevail over Northern Luzon while slight to moderate seas will be experienced over the rest of archipelago. Still be reminded to be very careful in going out fishing especially those using small sea craft. Always bring emergency kit. Be updated for the latest weather update and farm advisories from DOST- PAGASA.

Red Tide Alert
(Courtesy of BFAR, Shellfish Bulletin No. 17, Issued on 16 September 2022)

All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas of coastal waters of Dauis and Tagbilaran City in Bohol; Dumanquillas Bay in Zamboanga del Sur; Matarinao Bay in Eastern Samar; and Lianga Bay in Surigao del Sur are still positive for Paralytic Shellfish Poison (PSP) or toxic red tide and still NOT SAFE for human consumption. Fish, squids, shrimps and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking.

(Courtesy of BFAR, Shellfish Bulletin No. 17, Issued on 16 September 2022)