TROPICAL CYCLONE WARNING
TCWA NO. 1 TROPICAL DEPRESSION “FABIAN”
INILABAS 11:00 AM 08 AGOSTO 2025 MAY BISA HANGGANG 5:00 PM MAMAYA
SYNOPSIS
ANG LOW PRESSURE AREA (LPA) SA KANLURAN NG REHIYON NG ILOCOS AY NAGING TROPICAL DEPRESSION “FABIAN.”
LOKASYON
Kaninang 10:00 AM, ito ay nasa 185 km kanluran ng Batac, Ilocos Norte
COORDINATES
18.1°N, 118.8°E
TAGLAY NA LAKAS NG HANGIN
45 m/h PAGBUGSO NG HANGIN: 55 km/h
PAGKILOS
Patungong hilagang kanluran sa bilis na 10 km/h

TINATAYANG LUGAR NA DADAANAN NG BAGYO
TINATAYANG LUGAR NA DADAANAN NG BAGYO
LAT (°N) |
LONG (°E) |
LOKASYON | LAKAS (km/h) |
KATEGORYA | |
BUKAS NG UMAGA: | 19.4 | 117.6 | 405 km kanluran ng Calayan, Cagayan (LABAS NG PAR) | - | LOW |
AGRI-PANAHON
BABALA NG BAGYO
WALANG NAKATAAS NA BABALA NG BAGYO
MALAKAS NA PAG-ALON
Hanggang sa katamtaman na pag-alon ng karagatan |
|
Pinapayuhan ang mga mandaragat na gumagamit ng mga bangkang de motor at iba pang kahalintulad na sasakyang pandagat na mag-ingat habang pumapalaot sa karagatan. Kung maaari ay umiwas muna sa ganitong kondisyon.
PAGKILOS NG BAGYO
Inaasahang kikilos patungong hilagang kanluran ang bagyong Fabian sa buong panahon ng pagtataya. Posible itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi o bukas (09 Agosto) ng madaling araw.
Inaasahan ding mananatili ang lakas ni Fabian hanggang sa ito ay humina at maging isang remnant low paglabas nito sa PAR.
AGRI-PANAHON
LUGAR NG PAGTAYA | LAGAY NG PANAHON PANG-AGRIKULTURA |
TEMPERATURA (0C) | RH% |
PAGKABASA NG DAHON (ORAS) |
|
Mababang Bukirin |
Mataas na Bukirin |
||||
Kabisayaan, Rehiyon ng Bicol, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Hilagang Mindanao, Caraga, Rehiyon ng Davao, at Quezon | Maulap na kalangitan na may kalat-kalat hanggang sa malawakan na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog | 23 – 32 | 20 – 31 | 70 – 98 | 4 – 8 |
Metro Manila, natitirang bahagi ng CALABARZON, at natitirang bahagi ng Mindanao | Maulap na kalangitan na may kalat-kalat hanggang sa malawakan na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog | 23 – 33 | 21 – 30 | 60 – 98 | 0 – 6 |
Natitirang bahagi ng Luzon | Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan o pagkidlat-pagkulog | 23 – 33 | 15 – 32 | 50 – 96 | 0 – 4 |
PAYONG PANGSAKAHAN SA MGA LUGAR NA HINDI APEKTADO NG BAGYO
PAYONG PANSAKAHAN SA MGA LUGAR NA HINDI APEKTADO NG BAGYO
Patuloy na mag-antabay sa mga updates at pagbabago ukol sa sama ng panahon.
Ang mga public and disaster risk reduction and management office (PDRRMO) na maaaring maapektuhan ay pinapayuhan na gumawa ng mga kaukulang hakbang para maprotektahan ang buhay at mga ari-arian. Ang mga nakatira sa mga lugar na maaaring maapektuhan ay pinapayuhang sumunod sa mga tagubilin ng mga namumuno sa inyong lugar. Para sa heavy rainfall warnings, thunderstorm/rainfall advisories, at iba pang severe weather information na para sa inyong lugar, palaging magbantay sa mga produktong ilalabas ng inyong lokal PAGASA Regional Services Division.
Inihanda nina:
MTR/ ARL
Binigyang pansin:
RAAM
- Bagama’t hindi direktang maaapektuhan ng bagyo ang inyong lugar, mainam pa ring maging mapagmatyag at maagap upang mapanatili ang kaligtasan ng inyong pananim at kabuhayan.
- Ipagpatuloy ang mga regular na aktibidad sa bukid gaya ng pagtatanim, pag-aabono, at paglilinis ng taniman, ngunit maging maingat sa biglaang pag-ulan o malalakas na hangin na maaaring idulot ng habagat o hanging dala ng bagyo sa kalapit na mga lugar.
- Patuloy na subaybayan ang ulat ng panahon mula sa DOST-PAGASA at lokal na DRRM upang maging handa sa anumang posibleng pagbabago ng direksyon o epekto ng bagyo.
- Makatutulong na tiyaking ligtas at matatag ang mga bagong tanim, punla, at sensitibong pananim. Kung kinakailangan, maaaring gumamit ng trapal o panakip upang protektahan ang mga ito mula sa ulan o hangin.
- Iwasan muna ang labis na pagtutubig lalo na kung may inaasahang pag-ulan, upang hindi magdulot ng water stress o pagkababad ng lupa.
- Mainam ding mag-imbak ng binhi, pataba, at iba pang input upang hindi maantala ang produksyon kung sakaling magbago ang lagay ng panahon sa mga darating na araw.
- Makipag-ugnayan sa inyong lokal na tanggapan ng agrikultura upang makakuha ng karagdagang impormasyon, gabay, at teknikal na suporta kung kinakailangan.
Patuloy na mag-antabay sa mga updates at pagbabago ukol sa sama ng panahon.
Ang mga public and disaster risk reduction and management office (PDRRMO) na maaaring maapektuhan ay pinapayuhan na gumawa ng mga kaukulang hakbang para maprotektahan ang buhay at mga ari-arian. Ang mga nakatira sa mga lugar na maaaring maapektuhan ay pinapayuhang sumunod sa mga tagubilin ng mga namumuno sa inyong lugar. Para sa heavy rainfall warnings, thunderstorm/rainfall advisories, at iba pang severe weather information na para sa inyong lugar, palaging magbantay sa mga produktong ilalabas ng inyong lokal PAGASA Regional Services Division.
Inihanda nina:
MTR/ ARL
Binigyang pansin:
RAAM