TROPICAL CYCLONE WARNING
TCWA NO. 5 SEVERE TROPICAL STORM “CHEDENG”
INILABAS ALAS 11:00 AM 08 Hunyo 2023 MAY BISA HANGGANG ALAS 05:00 PM MAMAYA
(MAY BISA HANGGANG ALAS 11:00 N.G. MAMAYA)
ANG BAGYONG CHEDENG AY BAHAGYANG LUMAKAS HABANG KUMIKILOS PA-KANLURAN HILAGANG KANLURAN SA MAY PHILIPPINE SEA.
Kaninang 10:00 AM, ito ay nasa 1,070 km silangan ng Central Luzon
15.9°N,131.6E
125 km/h
PAGKILOS: Pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 km/h at may TAGLAY NA LAKAS: 100 km/h malapit sa gitna

LAT (°N) |
LONG (°E) |
LOKASYON | LAKAS (km/h) |
KATEGORYA | |
BUKAS NG UMAGA: | 17.0 | 130.4 | 920 km silangan ng Northern Luzon | 130 | TY |
SABADO NG UMAGA: | 18.7 | 130.1 | 895 km silangan ng Hilagang Luzon | 150 | TY |
LINGGO NG UMAGA: | 21.3 | 131.3 | 985km silangan ng Dulong Hilagang Luzon | 140 | TY |
LUNES NG UMAGA: | 25.3 | 134.4 | 1,380 km silangan-hilagang silangan ng Dulong Hilagang Luzon (LABAS ng PAR) | 130 | TY |
MARTES ng UMAGA: | 29.4 | 139.0 | 1,975 km silangan-hilagang silangan ng Dulong Hilagang Luzon (LABAS ng PAR) | 120 | TY |
MALAKAS NA PAG-ULAN:
Ang bagyong Chedeng ay inaasahan na hindi direktang magdadala ng malakas na pag-ulan sa anumang bahagi ng bansa sa susunod na 3 hanggang 5 araw.
Ang publiko ay pinapayuhan na patuloy na magmonitor tungkol sa update ng bagyo.
MALAKAS NA HANGIN:
Wala pang inaasahan na pagtaas ng babala ng bagyo ngunit pinapayuhan ang publiko na patuloy a magmonitor sa posibleng paglakas ng habagat.
PAGKILOS NG BAGYO:
Ang bagyong “Chedeng” ay patuloy na malayo sa kalupaan ng bansa. Ito ay inaasahan na kikilos patungo sa kanluran-hilagang kanluran hanggang hilagang kanluran ngayong araw hanggang bukas bago tutungo pa-hilaga bukas ng gabi. Sa buong pagtaya, ang bagyong “Chedeng” ay mabagal na kikilos hanggang sa Sabado bago bumilis sa Linggo patungo sa hilaga-hilagang silangan o hilagang silangan. Ang bagyo ay lalabas ng PAR sa Lunes ng umaga.
Ang bagyo ay inaasahan na lalakas sa susunod na 2 hanggang 3 araw at maaaring maging isang typhoon ngayong gabi o bukas. Magiging pinakamalakas ito sa Sabado.
Patuloy na mag-antabay sa mga updates at pagbabago ukol sa sama ng panahon.
Ang mga public and disaster risk reduction and management office (PDRRMO) na maaaring maapektuhan ay pinapayuhan na gumawa ng mga kaukulang hakbang para maprotektahan ang buhay at mga ari-arian. Ang mga nakatira sa mga lugar na maaaring maapektuhan ay pinapayuhang sumunod sa mga tagubilin ng mga namumuno sa inyong lugar. Para sa heavy rainfall warnings, thunderstorm/rainfall advisories, at iba pang severe weather information na para sa inyong lugar, palaging magbantay sa mga produktong ilalabas ng inyong local PAGASA Regional Services Division.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula timog-kanluran hanggang timog-silangan ang mararanasan sa Hilaga at kanlurang bahagi ng Luzon habang ang natitirang bahagi ng Luzon ay makakaranas ng mahina hanggang katamtaman na hangin mula hilagang silangan hanggang hilagang kanlurans. Ang Kabisayaan at Mindanao naman ay magkakaroon ng mahina hanggang katamtamang hangin mula timog-kanluran hanggang kanluran.
BABALA PARA SA MGA MANGINGISDA
Ang buong bansa ay magiging banayad hanggang sa katamtaman na pag-alon ng karagatan. Ang mga mangingisda ay pinapaalalahanan na palaging mag-ingat, ugaliing magdala ng mga gamit pangkagipitan, magbantay at makinig sa mga paalala at patalastas mula sa PAGASA.
- Patuloy sa mga normal na gawain sa bukid.
- Siguraduhing matibay at maayos ang imbakan o kamalig ng mga produkong binhi tulad ng palay at mais atbp produktong gulay o prutas upang hindi bumaba ang kalidad ng mga ito.
- Ipagpatuloy pa rin ang paglilinis ng kapaligiran lalo na ang daluyan ng tubig para maiwasan ang mga pagbaha at pag-usos ng lupa.
- Gumawa ng mga kanal para ipunan ng tubig o “small impounding reservoir” upang may magamit na tubig sakaling magkaroon ng kakulangan.
INIHANDA NI/NINA: MTR/ JOT | BINIGYANG PANSIN NI: JAM |